DENR Bicol isusulong ang gene bank at 15-ha plantasyon ng kawayan

Nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman sa Rehiyong Bikol, Congressman Fernando V. Gonzalez ng pangatlong distrito ng Albay, Sulpicio Bernardo III ng Filmenera Resources Corporation, at alkalde ng Lunsod ng Ligao Patricia G. Alsua upang magtatag ng bambusetum o punlaan ng iba’t ibang uri ng kawayan sa Kawakawa Hill, at 15 ektaryang  plantasyon ng kawayan saw along barangay sa nasabing lunsod.

Ayon ki DENR Regional Executive Director (RED) Gilbert C. Gonzales ang mga  barangay na magkakaroon ng taniman ng kawayang tinik (Bambusa blumeana) ay ang mga Barangagy ng Oma-oma, Baligang, Busac, Abella, Nabonton, Amtic, Maonon and Tula-tula sa Lunsod ng Ligao.

Mula sa Filmenera Resources Corporation (FRC), isang industriya sa Masbate, ang mga pananim na may halagang 100,000.00 pesos. Ayon ki Sulpicio Bernardo III, kinatawan ng FRC, sang-ayon ang kanilang kompanya sa plano ni RED Gonzales na magtatag ng taniman ng kawayan bagamat ito ay sa labas na ng lugar ng kanilang operasyon. “Ang pakikiisa naming sa proyektong ito ay bahagi n gaming tungkulin na matugunan ang pangangailangan ng mga pamayanan sa mapagkukunan ng kabuhayan. Ito rin ay isang pagtuklas sa kung ano ang kagalingan ng kawayan sa pagpapanumbalik ng na mina na lugar” ayon ki Bernardo. Idinagdag rin nya na ang pakikipag ugnayan sa lokal na pamahalaan ay mahalagang hakbang upang mabuo ang mga planong pangkaunlaran ng kanilang organisasyon.

Inako naman ni Kong. Fernando Gonzales ang pagsasanay sa mga hanapbuhay mula sa kawayan para sa mga pamayanang magkakaroon ng ganitong proyekto. Ipinahayag rin niya na tinatapos na ang plano sa pagtatatag ng isang mala palasyo na gusali na yari sa kawayan upang makilala ang husay ng kawayan bilang alternatibo sa kahoy. Aniya: “Malaking tulong ang proyektong ito upang maipalaganap sa mga mamamayan ang mga gamit ng iba’t ibang uri ng kawayan at ang pagkakaroon ng punlaan nito”.

Ang punlaan ay magkakaroon ng  labing anim na uri ng kawayan na magmumula pa sa ilang bansa sa Asya kabilang na ang Vietnam, Taiwan, China, Japan, Puerto Rico, Nicaragua at Sumatra.

Lokal na pangalan

Scientific Name

 

Pinagmulan

 

1. Anos

Schizostachyum lima (Blanco) Merill

Philippines

2. Bayog

Bambusa merrilliana (Elmer) Rojo & Roxas comb. nov.

Philippines

3. Black bamboo

Phyllostachys nigra (Lodd.) Munro.

China, Japan

4. Bikal

Schizostachyum dielsianum  (Pilger) Merr.

Philippines

5. Bolo, Botong

Gigantochloa levis (Blanco) Merrill

Philippines

6. Buddha’s belly  

    Bamboo

Bambusa ventricosa

Vietnam, Taiwan and Southern China 

7. Buho

Schizostachyum lumampao  (Blanco) Merrill

Philippines

8. Giant bamboo

Dendrocalamus asper  (Schultes et.) Backerex Heyne

Southeast Asia

9. Hedge bamboo

Bambusa multiplex (Lour.) Raeuschel ex. J.A. and J.A. Schultes

Indo-China and Southern China

10. Iron bamboo

Guadua angustifolia Kunth

Northeastern South America to Panama

11. Kauayan Kiling

Bambusa vulgaris Scrad. ex. Wendl.

Asia

12. Kauayan Tinik

Bambusa blumeana Schultes f.

Philippines

13. Golden/Yellow

       bamboo

Bambusa vulgaris Schrad ex Wendl var striata (Lodd. Ex Lindl.) Gamble

China, US, Puerto rico, Nicaragua

14. Pink bamboo

Gigantochloa kuring Widjaja

Sumatra

15. Wamin

Bambusa vulgaris Schrad. Ex. Wendl cv. Wamin McClure

Southern China

16. Laak

Bambusa sp.1

Philippines

Ayon kay RED Gonzales, ang FRC ay nanguna sa ganitong proyekto. Malaki ang paniniwala niya na ang plantasyon ay makakatulong sa kabuhayan ng mga mamamayan lalo pa at mabili ang kawayan dahil sa maraming gamit nito. Nangako rin si RED Gonzales na patuloy siyang magsusumikap upang mahikayat ang mga industriya na tulungan sa puhunan ang taniman sa ilalim ng National Greening Program ng kasalukuyang pamunuan. Kanyang ginunita na sa usapan nila ng dating alkalde Linda Gonzalez, nangako siya na hahanap siya ng makakatulong sa proyektong ito at natupad ito sa paglagda ng kasunduan.

Broadcast Release: October 30, 2013