Kababaihan pangunahing natutulungan ng NGP sa Masbate

Lubusang natutuwa ang mga kasaping kababaihan sa Bagong Sirang Multipurpose Cooperative o BAMCO, isang People’s Organization ng Aroroy, Masbate sa tulung na naibibigay sa kanila ng National Greening Program o N-G-P.

Sinabi ni Ligaya Cabatingan ng BAMCO na kahit di sila nakapag-aral nabibigyan silang pagkakataong maghanap-buhay sa pamamagitan ng pag-potting o paglalaan ng lupa sa mga sisidlan.

Ayon pa sa kanya kumikita karamihan sa kanila ng apat na daang piso bawat araw sa pamamagitan lang ng pag-potting at pagpupunla.

“Malaking tulong sa tulad naming mga babae ito dahil nakakabili na kami ng bigas, ulam tapos ang mga anak namin na dati di nakakapag-aral naka-aral na ngayon dahil sa programang NGP” aniya.

Ipinaliwanag pa ni Cabatingan na nagsisilbing isang mainam na pagkakataon para sa mga walang gaanong pinag-aralan ang N-G-P gawa ng patas na pagbibigay trabaho sa lahat ng karaniwang mamamayan.

Broadcast Release: February 20, 2013