Accelerated Sustainable Anti– Poverty Program (ASAP) Inilunsad Sa Lalawigan Ng Camarines Sur

Nakibahagi ang Department Of Environment And Natural Resources bilang co- lead agency  sa pormal na paglunsad ng Accelerated Sustainable Anti –Poverty Program (ASAP) sa Camsur Watersports Center (CWC) Convention Center  noong May 6, 2015.

Ayon kay DENR Undersecretary Demetrio L. Ignacio, higit na tinututukan ngayon ng ahensya ang poverty alleviation maliban sa pangalaga sa kapaligiran, sapagkat, ang kahirapan diumano ang pinakamalaking pagsubok sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng National Greening Program o NGP, na syang banner program ng kagawaran, higit sa 300,000 mangagawa ang nabiyayaan ng programa at  higit sa isang milyong ektarya na ang nataniman sa ilalim ng programa sa buong bansa  sa apat na taon na pagpapatupad  nito. Dagdag pa ni Ussec. Ignacio, higit sa isang libong public land title din ang naigawad o naipamahagi ng DENR sa mga maralitang pamilya ng Camarines Sur sa nakalipas na apat na taon. “magtulungan sa pangangalaga ng kalikasan upang kahirapan ay maibasan”, ani Ussec. Ignacio.

Ang kagawaran ay kasapi  sa Human Development and Poverty Reduction Cluster (HDPRC) na pinangungunahan ng convener lead agency na Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang ibat-ibang ahensya gaya ng Department of Agriculture (DA), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Science and Technology (DOST), Department of Education (DEPED) at iba pa sa pagtataguyod sa programang Accelerated Sustainable Anti-Poverty Program (ASAP).

Ang programang ASAP ay pormal na inilunsad sa lalawigan ng Camarines Sur  sa pagkat ang lalawigan ay isa sa  itinuturing na may pinakamalaking bilang ng maralitang pamilya sa buong bansa.

Maliban sa Camarines Sur, kabilang ang mga lalawigan ng Pangasinan, Quezon, Negros Occidental, Iloilo, Cebu, Leyte at Zamboanga Del Sur sa mabibiyayaan ng asap sa larangan ng universal health care, conditional cash transfer, sustainable livelihood  at iba pa.

Ang pagtitipon na ito ay dinaluhan ng ibat ibang sektor ng lipunan gaya ng Indigenous People (IP), pribadong sector, Civic at People’s  Organization, Local Chief Executives ng mga munisipyo ng Camarines Sur at iba pa.

Ang samahang ito ng ibat ibang sangay ng pamahalaan ay may hangarin na mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng paglikha ng mga proyektong pangkabuhayan sa pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor at Local Government Unit (LGU).

Broadcast Release: May 7, 2015

News

DENR BICOL CONDUCTS LEARNING EVENT ON STRATEGIC MARKETING COMMUNICATION

Key officials of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) V participated in a learning event on Strategic Marketing Communication in Legazpi City on November 12 - 13, 2018.

Carmelita B. Masigan-Walton, Managing Director and Communication/Marketing and Multicultural Programs Training Consultant of MW LEADS Management Consulting, expounded topics on program and situation analysis, the principles of synergy and integration, public relations practice, environmental scanning, reinforcing the concept of SWOT and PESTEL analysis, goal and objectives setting and generation of campaign materials.

The workshop was conducted to enhance the strategies used by DENR V in dealing with public relations and improve its information, education and communication campaigns (IECs).### (Article by: Jade N. Loria)

 

Feature

Photo Releases

DENR BICOL CONDUCTS YOUTH FORUM IN CAMARINES NORTE

DENR BICOL SPEARHEADS INTERNATIONAL COASTAL CLEAN-UP 2018

Masbate Kids Celebrate WMBD. (Photo by: Cyrus Job Dela Cruz)

Sunset as seen near the Naro Island Wildlife Sanctuary (NIWS), a Protected Area (PA) located at the southern part of Masbate Province. (Photo by: Cyrus Job Dela Cruz)

Other Links

  • office-of-the-presidentofficial-gazette

    embmgbfmblmbbmberdb